Newsletter Subscribe

Join Our Newsletter

NarsMonials

ceen h.
Date: Jul 05, 2009


Another story went like this It was a an employment in the US. and the pay was slightly better than the others and the benefits and amenities were good. However upon reaching there the assignments were ALL in the Aids areas or department. It seems that Filipinos were found to be resistant t...

Visitors Statistics

Visits [+/-]
Today:
Yesterday:
Day before yesterday:
18
111
146

-35
This week:
Last week:
Week before last week:
1023
1011
1168

-157

All visits
Since .... 50 929
Since ......   46 429 
Home
Simple Lang.... INCINERATOR PDF Print E-mail
Written by Ni Manny C. Calonzo Remate Tonight, 29 Hulyo 2010   
Thursday, 29 July 2010 03:24


Sa pagsisimula ng ika-15 Kongreso ay puspusan ang paghahahanda ng
iba’t ibang kagawaran ng mga panukalang batas na kanilang ilalako sa
mga kongresista at senador.

Isang panukala mula sa Kagawaran ng Kalusugan (DOH) ang mabilis na
hinadlangan ng mga grupong nagtataguyod ng kalusugang pampubliko at
pangkalikasan.

Ito ang panukalang rebisahin ang Clean Air Act (CAA) upang
pahintulutan ang mga sinasabing “clean incinerator” o mga mamahaling
makina na  ginagamit na sunugan ng mga basura.

Sa ilalim ng CAA ay ipinagbabawal ang pagsusunog ng mga basura mula sa
mga bahay (solid waste), ospital (medical waste) at pabrika
(industrial waste), kasama ang mga peligrosong basura (toxic waste),
na naglalabas ng mga mapanganib at nakakalasong buga gaya ng dioxin,
ang pinakamapanganib na lasong kemikal na gawa ng tao.

Sa gitna ng pagtutol ng ilang negosyante at opisyales ng gobyerno ay
nanaig sa puso ng mga mambabatas ang kahalagahan na mapangalagaan ang
lipunan laban sa polusyon at gastos mula sa pagsusunog ng basura at
maitulak ang mga tunay na solusyon.

Pero, tulad ng mga makukulit na lamok, ay walang tigil ang
pagpupumilit ng iilan na palabnawin o tuwirang baguhin ang patakarang
ito na nakapaloob na sa dalawang pangunahing batas: ang CAA at ang
Ecological Solid Waste Management Act.

Sa kanilang sulat kay Secretary Ona, ipinahayag ng Health Care Without
Harm, EcoWaste Coalition, Global Alliance for Incinerator Alternatives
at Greenpeace ang mariing pagtutol na baligtarin ang batas, laluna may
iba’t ibang ligtas, epektibo at hindi magastos na mga alternatibo
upang ekolohikal na mapangasiwaan ang iba’t ibang uri ng mga basura.

Peligroso ang panukala ng DOH na kung hindi babawiin ni Secretary Ona
ay posibleng magsilbing daan upang talikuran ang pambansang patakaran
kontra pagsusunog ng basura.

Mahirap maunawaan kung bakit itinutulak ito ng ilang kawani ng DOH
samantalang alam nila na taon-taon hanggan 2014 ay nagbabayad ang
Pilipinas sa Austria ng 2 milyong dolyar kada taon bilang bayad sa mga
depektibong incinerator na “high-tech” o “state of the art” daw na
napatunayan mismo sa pagsusuri ng DOH at WHO na nagbubuga ng
lampas-lampas na antas ng dioxin!

Sa isang talumpati nitong Hulyo 26 ay inisa-isa ni Annie Leonard
(tagapagbuo ng GAIA at aktibistang bida sa “The Story of Stuff”) ang
mga dahilan kung bakit hindi katanggap-tanggap ang mga incinerator.
Ilan sa kanyang mga nabanggit ang mga sumusunod:

a.  Sinasayang ng mga incinerator ang mga materyales na maaari pa
sanang magamit muli o maibalik sa pabrika, merkado at sa kalikasan.

b.  Nagbubuga ang mga makinang ito ng daan-daang mga lasong kemikal
tulad ng dioxin, mercury at iba pa, at lumilikha rin ng mapanganib na
abo na ibinabaon sa mga tambakan.

k.Hinihikayat nito ang patuloy na paglikha ng mga basura na
ipinapakain sa mga masisibang makina, at hinahadlangan ang pag-iisip
at pagpapatupad sa mga tunay na solusyon.

d. Nilalamon nito ang pampublikong pondo na dapat sana ay gamitin para
isulong ang lokal na ekonomiya, habang kakarampot lamang ang trabahong
nalilikha mula sa pagsusunog ng basura.

Imbes na baligtarin ang batas, palakasin pa sana ito upang mapairal ng
walang pasubali ang mga ligtas na alternatibong solusyon na hindi
magwawaldas ng mga rekurso at pondo ng bayan.
Last Updated on Thursday, 29 July 2010 03:26